Agsunta – Mundo

Исполнители: Agsunta
no image

текст песни Agsunta – Mundo

San darating ang mga salita
Na nanggagaling sa aming dalawa
Kung lumisan ka, wag naman sana
Ika’y kumapit na, nang di makawala

Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo
Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo
Mundo’y magiging ikaw

Wag mag-alala kung nahihirapan ka
Halika na, sumama ka
Pagmasdan ang mga tala

Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo
Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo
Mundo’y magiging ikaw

Limutin na ang mundo
Nang magkasama tayo
Sunod sa bawat galaw

Hindi na maliligaw

Narining mo na ba ang storya
Istoryang galling pa sa
Kauna-unahang panahon
Panahon kung kalian ang puso at kaluluwa
Ko’y di pa nabubuo
Yung hanap moy taong bubuo ng
Malaking espasyo diyan sa puso mo
Matagal ng nabuhay ang taong ito
Isang diyos na tinitingala sa kalawakan
Ito ang nagpakababa upang mailigtas ka lamang
Pupunan niya lahat ng pagkukulang
Pupunan niya lahat ng wala sayo
Papalitan ng ngiti mga luha mo
Sasagipin ka sa sandaling kala mo wala ng sasalo sayo
Matagal na siyang nag aantay

Matagal na siyang nagbabantay
Langit lupa’y isasabay sa kanyang pagsasakay
Hinarap niya ang buong mundo
Dahil para sa kanya
Ikaw ang mundo

Hindi na maliligaw…

Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo
Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo
Aking sinta (limutin na ang mundo)
Ikaw na ang tahanan at mundo (nang magkasama tayo)
Sa pagbalik (sunod sa bawat galaw)
Mananatili na sa piling mo (hindi na maliligaw)

Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo
Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo
Mundo’y magiging ikaw