Agsunta – Wakasan

Исполнители: Agsunta
no image

текст песни Agsunta – Wakasan

Hindi man ikaw at ako
Sa kabanatang lagi akong talo
Kayo ang bida, ako ang kontrabida
Sa kuwentong lagi na lang akong umaasa

Mananalangin sa May-Akda
Baka sakaling may magawa
Ang kapalarang ‘Ikaw-Ako’
Sana nama’y itadhana

Maghihintay pa rin itong puso ko
Mag-aabang hanggang maging tayo
Sakali mang hindi pa pagkakataon
Baka bukas na ang tamang panahon
Maghihintay ako hanggang sa wakas

‘Di man ikaw at ako

Sa mga kuwentong wala sa kuwadro
Sa mga istoryang bitin at alanganin
Ng mga nobela, komiks at magazine

Mananalangin sa May-Akda
Baka sakaling pagbigyan
Ang kuwentong ‘Ikaw-Ako’ naman
Ang aabangan, tutunghayan

Maghihintay pa rin itong puso ko
Mag-aabang hanggang maging tayo
Sakali mang hindi pa pagkakataon
Baka bukas na ang tamang panahon
Maghihintay ako hanggang…

Sa dulo ay lalaban
Walang alinlangan

Patuloy lang ako
Kahit na maubusan
‘Di papatalo
Makuha lang ang gusto ko

La la la…

Maghihintay pa rin itong puso ko
Mag-aabang hanggang maging tayo
Sakali mang hindi pa pagkakataon
Baka bukas na ang tamang panahon
Maghihintay ako
Maghihintay ako
Maghihintay ako
Sa wakas