Freddie Aguilar – Magdalena

Исполнители: Freddie Aguilar
no image

текст песни Freddie Aguilar – Magdalena

Tingin sa iyo’y isang putik, larawan mo’y nilalait
Magdalena ikaw ay ‘di maintindihan
Ika’y isang kapuspalad, bigo ka pa sa pag-ibig
Hindi ka nag-aral, ‘pagkat walang pera

Kaya ika’y namasukan, doon sa Mabini napadpad
Mula noon, binansagang kalapating mababa ang lipad

Hindi mo man ito nais, ika’y walang magagawa
‘Pagkat kailangan mong mabuhay sa mundo
Tiniis mo ang lahat, kay hirap ng kalagayan

Ang pangarap mo, maahon sa hirap

Kaya ika’y namasukan, doon sa Mabini napadpad
Mula noon, binansagang kalapating mababa ang lipad

Magdalena, ikaw ay sawimpalad
Kailan ka nila maiintindihan
Magdalena, ikaw ay sawimpalad
Kailan ka nila maiintindihan
Magdalena, Magdalena

Ibig mo nang magbago at mamuhay na nang tahimik

Ngunit ang mundo’y sadyang napakalupit
Hanggang kailan maghihintay, hanggang kailan magtitiis
Ang dalangin mo, kailan maririnig

Magdalena, ikaw ay sawimpalad
Kailan ka nila maiintindihan
Magdalena, ikaw ay sawimpalad
Kailan ka nila maiintindihan
Magdalena, Magdalena